Thursday, January 13, 2011

Senseless Thoughts

1. Utak Talangka (commonly used to describe envious nature of a person)  

Napa-isip talaga ako sa phrase na ito at tinanong ko ang aking sarili, “May utak nga ba ang talangka?”.  Nagtaka talaga ako, so I did serious research on this matter, as in ni-research ko talaga, sa Google, Yahoo, Wikipedia, Altavista, Microsoft Encarta at kung saan-saan pa just to find evidence kung may utak nga ba ang talangka.  Wala…none…nothing…nada…niente…nichts…zero…not a single article that confirms na may brains yung talangka.  Ask ko yung mga fishermen kasi nga sila ang may authority sa ganoong mga things-things, problema hindi din nila alam at wala daw silang paki-alam kung may utak ang talangka o wala.  Wala nga daw silang pakialam kay Jun Lozada sa talangka pa kaya (may point din naman).  According to my “intelligent” (confirmation needed) friend may utak daw ang talangka kasi paano sila mabubuhay ‘pag walang brains, may point din naman sya, kaya lang ang mga human being nga na walang utak nabubuhay talangka pa kaya.  Nakapagtataka talaga…may utak nga ba ang talangka?  Buti sana kung buhay pa si Ka Ernie, ask natin sa kanya kaso nakikipagpalitan na siya ngayon ng trivia kay San Pedro.


2. Panahon ni Kopong-kopong (used to describe anything that is obsolete and baduy)   

 My quad core brain is wondering talaga, who is Kopong-kopong ba? Anong era ba siya nag-exist sa earth?  Sino kaya mas naunang mag-exist sa earth? Mga dinosaurs o si Kopong-kopong? Ano kaya apelyido nya o baka naman screen name nya lang yung Kopong-kopong? Kawawa naman yung tao, palagi nalang ina-accuse na walang fashion sense.  
            

3. Anak ng teteng (Favorite line ni Sen. Bong Revilla sa movies nya)          


I’m curious, ano ba yung teteng? Kasi ang alam kong teteng palayaw ng isang maganda, matalino at seksi na babae.  Naisip ko lang na baka parang exam na fill-in the blanks yung statement.  Just like this:  Anak ka ng teteng ______________. 
     Pero ang mas pinagtataka ko, bakit nagging senador si Bong Revilla? Ano ba K nya?  It’s just a thought…. maybe a senseless one, but a thought nevertheless ..

No comments:

Post a Comment