Thursday, January 13, 2011

And alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki


Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki...? =)

Karpintero itong si Jojo at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa
tabi ng ilog.Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "tutulungan kita, Jojo"..
.sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "ito ba ang martilyo mo?"...
"hindi po"...

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, "it ba?"..."hindi
po"...

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "ito
ba?"..."

Opo" ...natuwa ang anghel. "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na
rin ang gold and silver hammer"...

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa ilog at kasama ang misis
niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Jojo.

Litaw si guardian angel, "tutulungan kita"...sabay lundag sa ilog at ng
lumitaw eh kasama si Paris Hilton, "ito ba ang misis mo?"...sagot si Jojo, "opo"...nagalit si anghel, "sinungaling ka. Akala ko pa naman mabait ka"...

Nag- reason-out si Jojo, "sorry po, angel...kasi kapag sinabi kong 'Hindi',
eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jessica Simpson.

At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang
tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Paris at Jessica.

Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na
lang ang sinagot ko nung una.

Moral of the story: kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki Eh for
a good and noble reason.

Battle of Brainless '08


Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?

Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

*********

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?

Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?

Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito. (Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

************
Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?

Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

************

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?

Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.Contestant : Safe Buoy?

Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

************


Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?

Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

************

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?
Contestant: Sunflower?

Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?

Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?

Contestant: Si...Sharon Cuneta!


************

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)Contestant: Nora Aunor?

Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?

Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

*************

One more dagdag:


Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?Contestant: Kuto

Contestant: K***** Lupa!
(Bweset!)

Joke Time

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo?? 
Police: DNA na... 
REPORTER: sir, ano po yung DNA ??? 
Police: "Di Namin Alam "
=================
Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya 
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-HystericalMan1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"
=================
Employee: boss pwede ba ako nalang ang papalit dun pwesto sa manager natin na kamamatay lang? 
Boss: ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.
=================
Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo? 
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang laman!

=================
BATA: Pabili nga po ng ubas.... 
TINDERO: Wala kame ubas (KINABUKASAN…. )
BATA: Pabili nga po ng ubas..... 
TINDERO: Wala kame ubas (KINABUKASAN ULIT….)
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
(AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT ….)

 BATA: Mama, may stapler kayo? 
TINDERO: Wala.. 
BATA: Pabili nga po ng ubas :)

=================

MRS: Bakit ngayon ka lang? 
MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no?

MR: Ako, lashing? Hindi! Hik

MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

==================


Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "An honest man, a good man, a family man" et cetera.Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"



===============================================================


settings: Tabing Ilog

tinanong ng mama
ang isang bata sa tabi ng ilog

mama: boy wala bang tulay para makatawid sa kabila
bata: wala po eh

mama: ganun ba? eh kung tawirin ko
yang ilog, pwede kaya?!
bata: opo, mababaw lang yan eh

mama: o sige, salamat ha
bata: ok lang po

tumawid yung mama
pero muntik nang malunod...

mama: boy, akala ko ba mababaw lang yang ilog?
bata: oo nga po mababaw

mama: e muntik na nga akong malunod eh
bata: mababaw po yan,
tumawid nga po yung itik dyan kanina eh

Senseless Thoughts

1. Utak Talangka (commonly used to describe envious nature of a person)  

Napa-isip talaga ako sa phrase na ito at tinanong ko ang aking sarili, “May utak nga ba ang talangka?”.  Nagtaka talaga ako, so I did serious research on this matter, as in ni-research ko talaga, sa Google, Yahoo, Wikipedia, Altavista, Microsoft Encarta at kung saan-saan pa just to find evidence kung may utak nga ba ang talangka.  Wala…none…nothing…nada…niente…nichts…zero…not a single article that confirms na may brains yung talangka.  Ask ko yung mga fishermen kasi nga sila ang may authority sa ganoong mga things-things, problema hindi din nila alam at wala daw silang paki-alam kung may utak ang talangka o wala.  Wala nga daw silang pakialam kay Jun Lozada sa talangka pa kaya (may point din naman).  According to my “intelligent” (confirmation needed) friend may utak daw ang talangka kasi paano sila mabubuhay ‘pag walang brains, may point din naman sya, kaya lang ang mga human being nga na walang utak nabubuhay talangka pa kaya.  Nakapagtataka talaga…may utak nga ba ang talangka?  Buti sana kung buhay pa si Ka Ernie, ask natin sa kanya kaso nakikipagpalitan na siya ngayon ng trivia kay San Pedro.


2. Panahon ni Kopong-kopong (used to describe anything that is obsolete and baduy)   

 My quad core brain is wondering talaga, who is Kopong-kopong ba? Anong era ba siya nag-exist sa earth?  Sino kaya mas naunang mag-exist sa earth? Mga dinosaurs o si Kopong-kopong? Ano kaya apelyido nya o baka naman screen name nya lang yung Kopong-kopong? Kawawa naman yung tao, palagi nalang ina-accuse na walang fashion sense.  
            

3. Anak ng teteng (Favorite line ni Sen. Bong Revilla sa movies nya)          


I’m curious, ano ba yung teteng? Kasi ang alam kong teteng palayaw ng isang maganda, matalino at seksi na babae.  Naisip ko lang na baka parang exam na fill-in the blanks yung statement.  Just like this:  Anak ka ng teteng ______________. 
     Pero ang mas pinagtataka ko, bakit nagging senador si Bong Revilla? Ano ba K nya?  It’s just a thought…. maybe a senseless one, but a thought nevertheless ..

Top 13 Anti-Boredom Activities

Ang 13 Utos para sa mga nababagot: 
  1. Kumuha ng 500 grams na pack ng kape at papakin kunwari milo.
  2. Punuin ng tubig ang inodoro.
  3. Baklasin ang TV at gawing radio pagkatapos baklasin ang radio at gawing TV.
  4. Pag-aralan ang wika ng mga ipis at kausapin sila na tabuyin ang mga daga.
  5. Pagkasyahin ang sarili sa ref.
  6. Magbilang ng buhok ng pusa (kung wala kayong pusa magbilang ng buhok ng daga).
  7. Pagkatapos kumain, magtutpik gamit ang tubo.
  8. Mangulangot gamit ang piko.
  9. Magsibak ng kahoy gamit ang blade.
  10. Tinidorin ang sabaw.
  11. Bigkasin ng pabaliktad ang alpabet sa loob ng 1 minuto.
  12. Lunukin ang mouse (ng PC) at sumigaw ng DARNA!
  13. I-disassemble mo ang iyong sarili at buo-in ulit na parang Jigsaw Puzzle.
Ikaw ano ginagawa mo pag bored ka? 
P.S. Pag nagawa mo na lahat ng activities na to at boring parin ang araw mo, email mo ako bigyan kita ng mas matindi pang mapaglibangan. 

Kamusta Heart Mo?

A resting heart rate of an adult normally beats about 70x per minute. 100,800x a day, 36,817,200x a year.


Sa bawat tibok ng puso, typically about 60 to 90 ml of blood are pumped, about 10 thousand liters bawat araw at approximately 265 million liter a sa boung buhay natin.

Hindi sya tumigil sa pag-trabaho, tulog ka man o gising. Masaya ka man o hindi. In-love ka man o bigo sa pag-ibig.

Ang sipag-sipag talaga ng heart, ang TANGA-TANGA naman.

UTOT: The Definition

Nothing feels better than a nice, loud utot lalo na kapag nag-ala-twister na ang masamang hangin sa tiyan mo.  Mabaho man at nakakahiya, we have to admit that nothing feels better than emitting that gaseous bad elements from our system, nakakaginhawa ng buhay nagiging masaya ang world.
Ang “Utot” ay salitang tagalog na nanganaghulugang ang hangin na lumalabas sa isang parte ng ating katawan na may kakaibang amoy.   Ang utot ay parang “universal language” sa Pilipinas kasi kahit saang sulok ka ng beautiful country Philippines mula Batanes hangang Jolo ay siguradong gets nila na iyon ay mabahong hangin na lumalabas sa iyong anus as in wetpu.
In all languages merong salita para sa utot:
In English:
  • flatulence
  • flatus
  • fart
  • aerosolized stool
  • anal acoustics
  • anal oxide
  • anus evacuation
  • arse blast
  • silent killer
  • and many more……
 
In French: Flatulence
In German: Blähung
In Spanish: flatulencia
In Italian: flatulenza
In Russian: напыщенность (try mo nga basahin at i-pronounce…)
In Chinese: chou pi
Definition: 
flat·u·lent [fláchələnt], adjective
flat·u·lence, noun
-flat·u·lent·ly, adverb

1.     causing gas in digestive system: causing excessive gas flatus to be created in the stomach and intestines
2.      full of digestive gas: having excessive gas flatusin the digestive system
3.      pompous or self-important: having or showing excessive self-importance (literary)
[Late 16th century. Via French < modern Latin flatulentus < Latin flatus "blowing, blast" < flare "to blow"] Ayon sa Microsoft ® Encarta ® 2007 ito ang kahulugan ng utot: 
Flatulence is presence of excessive amounts of gas in the stomach or intestines. Most of the gas in the stomach consists of atmospheric nitrogen and oxygen that have been swallowed. The nitrogen is largely unobservable and travels on through the intestines. Additional gases, principally carbon dioxide, methane, and hydrogen, are formed within the intestines. The carbon dioxide, produced by fermentation, is largely absorbed. The other gases, produced by incomplete digestion of foods rich in starch or cellulose, such as beans or cabbage, are eventually expelled from the rectum as flatus. The disagreeable odor of flatus is caused by several sulfur compounds, particularly by mercaptans. Large amounts of gas in the stomach or intestines may cause distention and pain.Anak ng kamote, kaya pala utot ka ng utot pag kumain ka ng kamote.  Ang utot ay isang napaka simple at ordinaryong word pero maaring mauutot ka at dumugo ang ilong mo sa kakabasa ng explanation kung bakit umutot ang tao.   

Just a thought…Umuutot din ba ang mga fish? 

TANGA: The Definition


  1.  taong ayaw magka-boyfriend pero nagrereklamong single.
  2. lalaking mahilig mambabae tapos nagugulat everytime ayaw pagkatiwalaan ng mga babae.
  3. ex mong iniwan ka for some unknown reason then biglang magpapa-ramdam  ulit after Jurassic years.
  4. taong pilit na naghihintay sa taong wala naming balak dumating
  5. babae o lalakeng ilang beses na naloko sa pare-parehong dahilan pero di natututo.
  6. mag-jowang araw-araw nag-aaway pero hinding-hindi daw sila maghihiwalay. 
  7. textmate na nagbibigay ng load/pasaload pero hindi naman tini-text nang kanyang pinagbibigyan ng load ngunit patuloy paring nagbibigay ng load.
  8. taong magpapa-kamatay sa para sa taong wala namang pakialam.
—Related forms

Ka.ta.nga.han, adjective
Ta.ta.nga.ta.nga, verb
Ta.nge.ngot, noun
          Hangal, gunggong, estupido/a, gago/a, ungas, walang kwenta,
walang saysay, luko-luko, luka-luka , bobo.

Wednesday, January 12, 2011

Wish Mo Lang

Here are things na wish mo sabihin sayo ng parents mo. 


  1. Anak, bumangon ka na male-late ka na.  Pero kung ina-antok ka pa sige matulog ka nalang, sa next period ka nalang pumasok.
  2. O, eto allowance mo oh.  May dagdag na na pang-gimik yan. 
  3. Amoy alcohol ka na naman!? Nag-jamming na naman kayo.  Bad trip, di man lang ninyo ako sinama.
  4. Gabi na matulog na ka na.  Bukas samahan mo ako, bili tayo ng bago mong cellphone.
  5. Nan-dyan ang jowa mo sa labas.  Papasukin ko nalang dito sa kwarto mo?
  6. Tumawag yung adviser mo sabi lagpak ka na naman daw. Di bale ok lang, may next sem pa naman.
  7. Junior, bakit iisa lang girlfriend mo? Ang hina mo naman, dagdagan mo pa para may extra.
  8. Anak, bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend? Ok lang naman sa amin kung mabuntis ka, kami na bahala sa magiging anak mo.
  9. Hindi pa-ubos ang 300 na load mo?  Noong isang araw pa yun ah…
  10. Anak naman! Bakit hindi mo inu-ubos ang binibigay naming allowance sayo… Kumakayod kami ng husto ng Daddy mo para may pantustos sayo tapos hindi mo ginagastos ang binibigay naming sa’