Thursday, January 13, 2011

Joke Time

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo?? 
Police: DNA na... 
REPORTER: sir, ano po yung DNA ??? 
Police: "Di Namin Alam "
=================
Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya 
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-HystericalMan1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"
=================
Employee: boss pwede ba ako nalang ang papalit dun pwesto sa manager natin na kamamatay lang? 
Boss: ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.
=================
Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo? 
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang laman!

=================
BATA: Pabili nga po ng ubas.... 
TINDERO: Wala kame ubas (KINABUKASAN…. )
BATA: Pabili nga po ng ubas..... 
TINDERO: Wala kame ubas (KINABUKASAN ULIT….)
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
(AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT ….)

 BATA: Mama, may stapler kayo? 
TINDERO: Wala.. 
BATA: Pabili nga po ng ubas :)

=================

MRS: Bakit ngayon ka lang? 
MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no?

MR: Ako, lashing? Hindi! Hik

MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

==================


Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "An honest man, a good man, a family man" et cetera.Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"



===============================================================


settings: Tabing Ilog

tinanong ng mama
ang isang bata sa tabi ng ilog

mama: boy wala bang tulay para makatawid sa kabila
bata: wala po eh

mama: ganun ba? eh kung tawirin ko
yang ilog, pwede kaya?!
bata: opo, mababaw lang yan eh

mama: o sige, salamat ha
bata: ok lang po

tumawid yung mama
pero muntik nang malunod...

mama: boy, akala ko ba mababaw lang yang ilog?
bata: oo nga po mababaw

mama: e muntik na nga akong malunod eh
bata: mababaw po yan,
tumawid nga po yung itik dyan kanina eh

No comments:

Post a Comment